Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Amen.
Ang habag ng Ama,
ang kapayapaan ng ating Panginoong Hesukristo
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo,
nawa'y sumainyong lahat.
At sumaiyo rin.
Mga kapatid,
sinapit na natin ang pagtatapos ng Taon ng Jubileo.
Tunay nga, na ito ay naging natatanging panahon ng biyaya at awa.
Sa banal na pagdiriwang na ito,
pinag-iisa natin ang ating mga tinig
sa pagpupuri't pagpapasalamat sa Ama
para sa lahat ng mga pagpapalang
kanyang ipinagkaloob sa atin.
Sa taon ng awa, inanyayahan tayo
sa natatanging karanasan ng pagpapalala at pagkakasundo.
Lagi tayong dumulog sa nakagiginhawang samyo ng kanyang awa,
Hilingin natin sa Ama nating makapangyarihan
na marapatin niyang basbasan
itong tubig na iwiwisik ngayon
bilang paggunita sa tinanggap nating binyag noon.
Pagkalooban nawa niya tayo ng panibagong lakas
para sa pamamalaging matapat
sa Espiritu Santo na ating tinanggap.
Lahat ay tahimik na mananalangin nang saglit. Ilalapit sa Tagapagdiwang ang isang lalagyang may tubig para basbasan.
Ang Tagapagdiwang ay magpapatuloy sa pagdarasal nang magkadaop ang mga kamay.
Ama naming makapangyarihan,
Ikaw ang bukal na pinanggagalingan
ng buhay ng aming buong katauhan,
kaya hinihiling naming iyong basbasan ?
ang tubig na ito para sa aming kapakinabangan
sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan
at sa ikapagkakamit ng kaligtasan
sa tanang kasamaan.
Pakundangan sa iyong pagmamahal,
ipagkaloob mong bumukal sa aming kalooban
ang tubig na magbibigay ng walang hanggang buhay
upang kami'y maligtas at makadulog sa iyo
nang may dalisay na pagkatao
at upang kami'y maadya sa tanang panganib
na nagbabantang magwalay sa amin
sa iyong pag-ibig.
Iniluluhog namin ito
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Hahawakan ng Tagapagdiwang ang pangwisik, at uunahin niyang wisikan ang kanyang sarili, isusunod ang mga nakikipagdiwang, ang mga lingkod, at sa huli ang mga tao, habang nililbot niya ang buong simbahan. Aawitin naman ng koro ang isang naaangkop na awit: Isang Pananampalataya, o Kasama ni Kristo. Sa pagbalik ng Tagapagdiwang sa may upuan niya, kanyang sasabihin:
Tagapagdiwang:
Dalisayin nawa tayo ng makapangyarihang Diyos
sa ating mga kasalanan,
at pakundangan sa pagdiriwang na ito
ng pagpupuri at pagpapasalamat
pagindapatin nawa niya tayo?na makapakinabang
sa piging niya sa buhay na walang hanggan.
Bayan: Amen.
Almighty God, creator and source of all life.
bless + this water
and grant that we your faithful,
sprinkled from this purifying font,
may receive the forgiveness of sins,
deliverance from all evil,
and the grace of your protection.
In your mercy, O Lord,
give us a spring of living water
springing up to eternal life,
so that, free from every danger,
we may come to you with pure hearts.
Through Christ our Lord.
Amen.
Panginoon naming Dios, Amang makapangyarihan sa lahat, sa pangalan po ng Panginoon Hesukristo,
Sa umagang ito, bago po kami dumako sa aming nakatakdang gampanin, ay nais po naming magtagubilin sa Iyo at ihingi muna ng kapatawaran ang aming mga naging kasalanan at pagsalangsang na naipon sa buong school-years na nakalipas. Umaamin po kami sa mga pagkakamaling naramdaman, inisip, inakala, sinabi, at ginawa sa aming mag kapwa-tao, estudyante, guro, gwardya, tindera sa canteen, taga-dampot/walis ng mga hindi na namin manguya gaya ng plastik, styrofoams, at non-biodegradable na food containers, pati na ang mga tagalinis ng kubeta. Hindi man po ito alam ng lahat, o wala man nakasaksing dinaya namin ang resulta ng aming eksam, nagpuslit ng libro, nangupit sa pondo, patalikod na nagmumura at pinagtawanan ang alinman sa empleyado ng eskwelahang ito, nag-blog gamit ang permanent pen markers sa iba't ibang pader, pinto, upuan, at iba pang mga kasalanan (na baka i-censored na ng mga konserbatibong lipunan kung sasabihin ko pa dito sa mikropono.) Alam kong alam mo na po yun Lord. Kung paano kami nandayang mga estudyante, at kung paano din kami dinaya ng ilang empleyado at guro dito. Pare-pareho po kaming natutong magtiis at pakisamahan ang isa't isa sa mahabang panahong inilagi namin sa buong school-years. Dito din po namin natutuhan ang ilang mga praktikal na diskarte ng iba't ibang kalokohan at karunungang wala sa pahina ng teksbuks at pawang kwentong-daldal lang upang kapwa wag antukin ang nagtuturo at tinuturuan. At wag namin basta mapatay ang oras bago ang uwian ng wala man lang kapirasong kaalamang narehistro sa aming mga kukote. So far, matiwasay naman po ang aming naging pagsasama at heto nga't mabubunutan na kami ng tinik sa bawat isa. Gagagradweyt na kaming mga pasaway na estudyante at mababawasan na ng suki at captured market ang mga miyembro ng faculty-slash-negosyante. Sana po Panginoon ay mapatawad mo po kaming lahat kung paanong napatawad na rin namin ang mga taong nagkasala at nanggantso sa amin. (Yung mga hanggang ngayong graduation na nga lang ay may souvenir pang kagalit o kaaway at hinanakit sa kapwa ay bahala Ka na po kung kasama Mong patatawarin.)
Kalakip nito'y nagpapasalamat kami sa'Yo sa minsan Mo pang pagpapahiram sa amin ng talino at kalakasan upang malagpasan ang lahat ng ito. Salamat po at buhay pa kami hanggang sa mga oras na ito. Mga nakatayo, nakapikit, gayundin sa mga paminsang dumidilat at nagbubungis-ngisan. Salamat sa aming magarang kasuotan, puting-puti, na alangang ikakasal at alangan ding artista/extra sa horror films with morbid make-ups. Salamat din po at pihadong mamaya ay masarap ang kainan at selebrasyon. Salamat din po sa aming mga magulang, na kahit di-halatang nagsasawa na sa aming walang-sawang katarantaduhan at pagbubulakbol ay ikinayod at iginapang kaming tustusan at ibili ng segundaryang edukasyon. Alam naming sobra-sobra ang kanilang mga pang-unawa at pag-asa sa aming mga magandang kinabukasan (daw) na ngayon ay susuklian namin ng kapirasong papel na ang tawag ay diploma. Salamat po talaga ng marami at nasilayan pa namin ang araw na ito. Salamat po Panginoon sa iyong mga biyaya at pagpapala (at perstaym ko ding nagka-syota). Salamat sa tuwina Mong pag-iingat sa aming hiram na buhay upang ilayo sa araw-araw na posibleng sakuna sa daan at pagbabyahe mula sa bahay namin, hanggang sa eskwela, tapos sa mall/gimikan, tapos bahay uli. Salamat sa pag-aadya sa amin sa kamay ng mga reckless drivers, hold-upers, snatchers, stalkers, psychos, tambays, at rapists, na kamuntikan na sanang dumonselya sa aking musmos na karanasan sa mundong ito at kamunduhan. Salamat at virgin pa po ako! Salamat po at nakararaos kami sa araw-araw na pasok, na kahit late ay humihingal at humihinga-hinga pa at medyo haggard, ay ebidensya lang na buhay pa kami . Salamat sa panibagong lebel ng karanasang ipagkakaloob Mo sa amin kung sakaling may sapat na pera pa si inay at itay upang tustusan naman ako sa panibagong gapangan at kayuran para pambili sa aking terserang edukasyon.
Nais din sana naming humiling ng kapiraso sa Iyong makapangyarihang kamay. Hindi na po namin hihilingin sa Iyo na patalsikin sana ang kasalukuyang pangulo ng bansa, o ibigay ang pangarap ng buong mundo na world peace, o sugpuin ang kurapsyonm gyera, at kahirapan. Kung loloobin Mong maganap naming tanggapin sa stage ang diplomang may pangalan namin at hindi kami biglaang madulas/madapa sa iilang baitang na hagdanan ng entablado, at bumagok pa ang ulo sa semento o anomang supresang kagaya nito — ibig sabihin ay graduate na nga kami. Wala ding dapat ipagyabang, ikataas ng noo, at ikataas ng ihi. High-School graduate (pa lang/na lang) po kami! Hindi pa ganoon kalawak ang aming karanasan at kaalaman upang maunawa ang isyung pang-global at nasyunal. O problemahin ang problema pang mundyal. Nais lang po sana naming hilingin sa kapahintulutan ng Iyong banal na kalooban... na bigyan pa po sana kaming lahat ng mahabang buhay at malusog na pagkatao. Sa gayon ay magkaroon kaming lahat ng sapat na pagkakataon, kahandaan at maturity upang matutunan namin at matanggap ang iba pang lectures ng buhay. Madalas man po kaming absent-minded at physically-present, makakabisado din po namin at matututunan ang tamang pag-uugali, pag-iisip, at pagtanaw ng utang na loob, at iba pang moralidad at pagkilala. (Kung ito ba ay mabuti o masama, kung tama o mali, kung bibilugan o ooblongan, kung guguhitan o salungguhitan, sa etcetera at sa iba pa.)
Patuloy Mo po sana kaming samahan sa bawat wamport short-quiz hanggang sa back-to-back na long eksams ng buhay. Balita ko nga po ay mas astig pa raw pag kolehiyo na. Aminado po akong natatakot ako at naeeksayt ng sabay. Pahiramin Mo po sana ulit kami ng talino at powers na mula sa'Yo. Pramis at magbabasa din po ako ng ipinasulat mong love letter sa isang makapal na libro pag may time at hindi pa pagod ang aming mga mata sa kakatitig sa tibilisyon, selepono, at monitor ng kompyuter. Nawa'y kung dumating na ang oras na kami'y magtatapos o katapusan na namin, ('yun bang gagraduate na talaga at ibabalot sa isang puting diploma at ilalagay sa kahong may salamin at may lapidang nakaukit ang pangalang na may petsa.... o kung mag-iiyakan man ang mga naiwang nagsa-summerclass pa sa mundong ibabaw) ay maging kalugod-lugod, katanggap-tanggap, at pasado sana kami na makapasok d'yan sa unibersidad Mo sa langit na mataas pa sa buong uniberso. Kahit pasang-awa nga po ay ayos na sa amin. Hindi po kami magrereklamo. Pramis at babawasan na rin namin ang pagrereklamo sa konting kibot, sundot, at nabigong sintang-pururot. Hindi na po kami mag-eeksperimentong laslasin ang aming pulso para matiyak lang kung ang kulay ba talaga ng dugo ay pula, o baka bughaw, o dilaw, o berde, o itim, o violet. Hindi na po kami magpapaka emo-slash-wrist, at pahahalagahan ang ibinigay Mong buhay sa amin.
(Sa lahat ng mga natawa, naiyak, o napamura sa pagwawakas ng panalanging ito, salamat na rin sa pakikinig niyo. Wag nga lang kayong magmaganda na i-kritiko at i-censor ito dahil hindi naman para sa'yo ito iniukol. Dahil kay Lord nga naka-address ang panalanging ito. At hindi sayong abang tao.)
At lahat po ng mga bagay na ito ay taos-puso naming idinadalangin na walang halong biro. Sa tanging pangalan at karapatan ng Iyong bugtong na Anak at aming manunubos, na si Hesukristo.
Amen.